huhurdurhur0001

hi, hello at mabuhay sa inyong lahat!

Ito ang personal yet public blog ko, ang gulo no? Pero wag na muna nating pag-usapan kung gaano kalabo ang buhay ko. Unang una sa lahat itago na lang nating ang katauhan ko sa pangngalang ‘DAME’ … bakit ‘DAME’? kasi dame ang pangngalan ng banda ko sa Guitar Hero (disclaimer!). Ako ay nag aaral sa Elizabeth Seton School (Ha-ha!) at currently nasa 4th year na ng high school

at nag stru-struggle na pumasa ng dalawang mahihirap na subject. Yes, ADVANCE ALGEBRA at PHYSICS.

Maari niyong isipin na “pfftt.. ayun lang nahihirapan ka na”… Well, I don’t blame you; pinanganak na akong bobo kaya naman hindi ako magaling sa math at science (ha-ha!!). Ginawa ko itong blog na ito dahil gusto ko ipakita sa inyo na pagiging isang ‘setonian’ ay hindi madali, at balang araw (once na nakagraduate na ako) gusto ko basahin at alalanin (kahi masakit) ang 4th year ko sa Seton! Gusto ko rin i-share sa inyo ang mga ka-tangahan at mga ‘adventures’ ng buhay ko! Napaka normal kong estudyante kasi unang una sa lahat sa sobrang normal ko wala akong special skill (as far as I know), wala akong boyfriend or love life (kasi asa korea ang mahal ko ngayon) at specially~ BUMABAGSAK RIN AKO SA MGA SUBJECTS! (pero hindi naman lahat! Asa seton pa ba ako, sa ganun na lagay?)

Ang blog na ito ay nakasulat sa TAGLISH language at dedicated ito sa lahat ng mga estudyante, at sa mga bumabagsak ng math at physics!!

(p.s: nag sosolve ako ng math niyan sa picture ko HAHA!!)